Bakit nga ba?


Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit
walang kapalit??? naisip mo na ba iyon? kala mo
okey lang… pero sobrang hirap…

Masarap magmahal hindi ba? Kahit ikaw, hindi ka
sigurado sa pag-ibig ng taong mahal na mahal
mo… Minsan iniisip mo na lang na pagdating ng
tamang panahon magiging maayos din ang lahat…
Sana nga!!! Nang hindi ka naman mukhang tanga
na umaasa sa wala…

Minsan din ang sarap sarap isipin na minamahal
ka ng taong mahal mo!!! yung tipong kayo na lang
sana at hindi ang lalakeng nakikita mong kasama
nya na masaya at akala ang buong mundo ay
kanilang kanila…

Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan… yung
tipong masaya pa kayo, parang mga batang
walang problema… kung meron man parang,
against all odds ang settings… pero may nakabitin
pa ring tanong… ano kayang nangyari??? pero ang
kadalasang kasagutan e:

1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. Nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. Di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na puro nalang kami away;
8. masyado nya kong sinasaktan;
9. nagsawa na sya sakin;

pero ito pinaka masakit;.

10.hindi pala nya talaga ako mahal (parang
panakip butas)

Grabe hindi ba??? Pero kailan kaya natin maririnig
na nagpapasalamat ang isang umiibig sa taong
nakasakit at sinaktan sya??? minsan naisip din
kaya natin na kung ano ang kahalagahan ng isang
bagay??? Yung kailangang bigyan ng halaga
habang nandyan pa! Minsan kasi, saka lang natin
nalalaman ang kahalagahan ng isang bagay
pag wala na ito sa atin!!!

kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi,
ikinikilos, ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao
kayang tanggapin kung ano at paano natin
ginagawa ang isang bagay!!! subukan nating
magpasalamat sa kabila ng lahat…

A. kung sinaktan ka nya… magpasalamat ka dahil
sya ang dahilan para tumibay ka;

B. kung niloko ka nya… patawarin mo at
pasalamatan mo… dahil kung hindi sa kanya hindi
mo mararamdam ang sakit na pwede ding
maramdaman ng iba… at least hindi mo gagawain
sa iba;

C. kung hindi ka nya minahal… pasalamatan mo!!!
dahil at least kahit papano na-feel mo na minahal
ka nya kahit hindi, pasalamat sya dahil ikaw
minahal mo sya ng buong buo;

minsan kailangan lang natin harapin kung ano man
ang nakasakit sa atin… piliting kalimutan… piliting
harapin kung ano ang noon… noon lang yun… iba
ang ngayon!!! dahil kung nasaktan ka man noon,
ngayon mag-iingat ka na at alam mo na kung ano
dapat at hindi para hindi masaktan.

mahalin mo ang mga taong nakasakit sayo dahil
sila ang dahilan para maging matibay ka!!!! para sa
susunod di kana basta-basta padalos-dalos.
pasalamatan mo ang taong nakasakit sayo…

sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo o
ang taong gusto mong mahalin???

ang taong kasama mo buong araw o ang taong
iniicip mo bago matapos ang araw???

siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa
mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa
mo???

sino ba ang mas mahalaga… yung taong nais
mong makasama habang buhay o yung taong
hindi mo makita ang habang buhay kapag wala
siya?

Sino ang mas matimbang… yung taong pag
kasama mo’y parang kay bilis ng oras o yung
taong tuwing iniicp mo’y parang kay bagal ng
oras?

ano ang susundin mo… ang dinidikta mo sa puso
mo o ang dinidikta ng puso mo syo?

sya ba un laging pumapasok sa isip mo o siya
yung laging laman ng panaginip mo?

Sino nga ba… ang taong nagpaluha syo, o ang
taong nagpunas sa minsang pagluha mo?

Sino sa kanila… ang taong nagpapatawa syo o
ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

SIno nga bang pipiliin mo???

ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO
MO…

O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON???

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s